Andrea

Andrea naimbitahan ng Netflix sa Australian premiere ng ‘Bridgerton’ season 3

April 23, 2024 Eugene E. Asis 117 views

Andrea1SA Instagram post ng Kapuso actress na si Andrea Torres, hindi siya makapaniwala na isa siya sa sa premiere ng pinakahihintay ng marami, ang srason 3 ng Netflix hit series na “Bridgerton.”

Makikita sa kanyang post ang kanyang larawan habang rumarampa sa red carpet sa naturang event na guinanap sa Bowral, Australia.

“Am I dreaming?” tanong ni Andrea sa simula ng video. “No. I am living in my dream.”

Sa naturang event, pinalad siyang makilala ang mga pangunahong bituin ng “Bridgerton” S3 na sina Nicola Coughlan, na gaganap bilang Penelope Featherington at si Luke Newton, bilang Colin Bridgerton.

Ipinalabas na ngayong buwan ng Abril ang official trailer ng “Bridgerton” S3 kung saan makikita si Penelope na naghahanap ng mapapangasawa. Nag-alok naman ng tulong si Colin para ihanap siya ng manliligaw.

Noong 2020, nakapag-set ng record ang ‘Bridgerton’ sa Netflix ng 82 million views.

Nagkaroon kaagad ito ng pangalawang season, at ngayon ang pangatlo. Magsisimulang mapanood ang “Bridgerton” S3 sa Netflix sa May 16.

Inihahanda na rin ang fourth season nito, isang patunay kung gaano ito ka-hit sa manonood.

AUTHOR PROFILE