Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 24, 2024 People's Tonight 114 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4KILALA man siya sa TikTok bilang “Gabriella Ventura,” hindi mag-iiba ang kinang ni Paola Erin Sanchez pagdating sa pagiging bituin ng social media.

Saksi ang kanyang umaangat na TikTok account na may username na @einzhcns, sa kasalukuyan ay mayroon nang higit 170 thousand followers.

Mahusay magpamalas ng kanyang humor si Erin. Sa kanyang mga inilalabas na contents, bidang-bida ang pag-lip sync ng social media star sa mga viral sounds at nakakatawang skit.

Todo-flex din si Erin sa kanyang ganda hindi lang sa TikTok, dahil maging sa Instagram account niyang @einzhcns, talaga namang masusundan kung ano ang kanyang buhay sa lifestyle contents niya.

Bukod sa beauty, kayang-kaya ring makipagsabayan ng TikTok star pagdating sa paseksihan. Isa rin siyang model at car show girl. Kabogera rin ang ganda ng hubog ng kanyang katawan sa mga bikini photos na ina-upload niya.

Higit sa lahat, patuloy sa pag-abot sa kanyang mga pangarap si Erin lalo na’t nais niyang maging isang Registered Medical Technologist.

AUTHOR PROFILE