Khonghun

‘Panggulo’

April 16, 2024 People's Tonight 94 views

Kaguluhan motibo sa panawagan sa AFP na iatras suporta kay PBBM

NANINIWALA ang isang mambabatas na mayroong tangka na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, ang pahayag ni dating Speaker Pantaleon Alvarez ay hindi lamang isang pagtutol sa mga patakaran ni Pangulong Marcos sa isyu ng West Philippine Sea, kundi isang planadong kilos para pabagsakin ang pamahalaan.

“The clear intention behind Alvarez’s remarks is to sow chaos and instability in our nation,” sabi ni Khonghun.

Iginiit ni Khonghun na hindi dapat palagpasin ang ginawa ni Alvarez.

“We cannot allow individuals to undermine the democratic process and manipulate government institutions for their own political gain,” ayon kay Khonghun.

“Former Speaker Alvarez must be held accountable for his actions, and charges should be filed against him to ensure that justice is served,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi pa ni Khonghun na ang walang pakundangang pahayag ni Alvarez ay isang pagbabanta sa umiiral na demokrasya ng bansa.

“We must stand firm against any attempts to subvert the will of the people and uphold the rule of law,” dagdag pa ng mambabatas.

AUTHOR PROFILE