Pangandaman Budget Secretary Amenah Pangandaman Source: Department of Budget and Management FB

PANGANDAMAN INAPRUB P2.8B PONDO PARA SA FIRE TRUCKS

May 27, 2024 People's Tonight 88 views

At emergency medical equipment

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagrelis ng kabuuang P2.880 bilyon sa Department of the Interior and Local Government-Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) upang suportahan ang patuloy nitong pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog.

Ayon kay Pangandaman, aprubado at pirmado niya na ang Special Allotment Release Order (SARO) na naglalayong mai-transfer sa DILG-BFP ang naturang pondo para sa pagbili ng mga karagdagang fire truck at emergency medical equipment.

“We understand how crucial BFP’s responsibilities are during emergency response and fire incidents. We owe it to them to support their ongoing capability enhancement efforts so they can effectively perform their mandate,” pahayag ni Pangandaman.

“Bilang pagtugon din po ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na i-equip ang ating firefighters. Alam naman po natin na sa pagtupad ng kanilang tungkulin, buhay ang nakataya,” ani Pangandaman.

Paliwanag ni Pangandaman, ang halagang P2.880 bilyon ay gagamitin para sa pagbili ng 154 fire truck, taltong collapsed structure at rescue truck, at 132 ambulansya.

Dagdag ni Pangandaman, ang naturang halaga ay kukunin mula sa balanse ng 80 porsyentong bahagi ng BFP mula sa mga kinita ng ahensya ayon sa Republic Act (RA) No. 9514 o ang Fire Code of the Philippines.

Binigyang-diin ni Pangandaman na all-out support ang Marcos administrasyon sa pagseseguro na mabigyang suporta ang mga lungsod at munisipalidad na walang man lang mga fire truck at fire station sa kanilang kinasasakupan.

AUTHOR PROFILE