Default Thumbnail

Pakikiramay at Paanyaya

June 26, 2021 Magi Gunigundo 516 views

Magi GunigundoUNA, ang aking pamilya ay taos-pusong nakikiramaysa pamilya Aquino-Cojuangco sa pagpanaw ni dating Pangulo Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Pareho kaming nagsilbi sa Malaking Kapulungan sa 11th at12th Congress at ng siya ay Presidente na , nagtulungan para mailuwal ang mga sumusunod na batas sa pagrereporma ng edukasyon : RA 10157 ( Kindergarten Education Act), RA 10410( Early Years Act of 2013) at RA 10533( K to 12 Law). Ang tatlong batas na ito ay may isang tema – ang pagpapagamit ng unang wika ng bata sa kanyang edukasyon. Ang mga batas na ito ay maihahalintulad sa mga butong ipinunla sa lupa. Sa tamang pagpapatupad ng mga patakarang ito, magiging matayog na puno ito na magbibigay ng lilim sa susunod na mga henerasyon.

Pangalawa , nais kong ibahagi sa inyo ang aking paanyaya sa aking bukas na liham para sa mga nagbabalak mag-aral ng abogasya sa Tarlac State University School of Law na aking pinagtuturuan ng Civil Law. Ating masisilip dito kung ano ang mararanasan ng estuduyante at propesor ng batas sa panahong ito:

“Binabati kita sa iyong pasya na mag-aral ng abogasya upang maging kagawad ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa ating bansa.

Ang edukasyong ligal ay pinagsama-samang mga konsepto, doktrina at pilosopiya na parami ng parami.

Ang estudyante ng abogasya ay may tatlong hakbang na dapat gawin: 1) kailangan mag-aral ng napakaraming mga bagong bagay na hindi batid ng ordinaryong mamamayan na istranghero sa batas; 2) Dahil dito, kailangan din ng estudyante na iwaksi ang mga maling paliwanag at pagkaintindi sa mga konsepto ng batas tulad ng pagbabawal daw ng diborsyo sa Pilipinas ng Saligang Batas, na marahil ay kanyang narinig sa mga walang alam sa batas;3) At pagkaraan ng pagbubura nito sa kanyang isipan, suyurin ang tamang paliwanag sa mga konsepto tulad ng “ in pari delicto”, prejudicial question” at “ fortuitous event”.

Ang tatlong hakbang na ito ay mahalaga upang makuha ang degree na Juris Doctor, at sa huli ay pumasasa Bar exam. Nangangailangan ito ng maraming pagbabasa, konsentrasyon at pokus. Ang pamamahala ng oras at isang balanseng buhay ay mahalaga sa pag-intindi sa napakaraming desisyon ng Korte Suprema na pinapabasa ng mga propesor, at paggugol ng mahabang oras sa paghahanda sa mga pagsusulit, midterms at finals. Seryoso ang pag-aaral ng batas.

Dahil sa COVID-19 pandemic, tayong lahat sa akademiya ay napilitan lumipat agad sa virtual classroom, kahit walang karanasan dito, gamit ang 21st Century Digital Technology na pinapaandar ng 4th Industrial Revolution. Ang silid-aralan ng Microsoft Teams ay isa sa maraming mga sasakyang virtual na tumatakbo sa Internet superhighway. Dahil dito, ang distansya ay hindi na isyu para sa mga propesor ng batas at mag-aaral ng batas na nagmula pa sa iba’t ibang mga lalawigan (NCR, Tarlac, Pampanga, Bataan, Nueva Ecija at Bulacan). Isang taon na akong nagtuturo “online”, at hindi ko na kinailangang maglakbay ng 117 kilometro mula sa Valenzuela hanggang sa Tarlac City. Nagbigay din ang information highway ng “ready access” sa mga desisyon ng Korte Suprema. Nawala tuloy ang malaking kalamangan ng mga law school sa Maynila kaysa sa mga law school sa mga lalawigan na kadalasan ay walang kumpleto at napapanahong dami ng Philippone Reports at SCRA.

Ang ika-21 siglong virtual na silid aralan ay ganap nanaiiba mula sa tradisyunal na silid aralan. Binuo ito hindi upang panataliin ang dating tradisyunal na pagtuturo,bagkus tinutulak nito ang propesor at estudyante na yakapin ang modernong kaisipan kung paano nga ba magkaroon ng edukasyon sa ika-21 siglo gamit ang “ Structure of Observed Learning Outcomes” para linangin ang higher order thinking skills ng mag-aaral . Bagaman nag-aatubili at nag-aalala sa bagong modality na ito, natutuhan kong umunlad dito at masiyahan dito.

Bilang isang guro sa ika 21 siglo, nagsisilbi ako bilang isang tagapagpadaloy ng pag-aaral. Hindi na ako ang eksklusibong mapagkukunan ng kaalaman sa paksang itinuturo ko

Ang isang positibong kalamangan ng mga virtual classroom ay ang kakayanan nitong ma-i-rekord nanagbibigay sa mga estudyante ko ng pagkakataong i-replay hangga’t gusto nila ang talakayan sa klase hanggang sa lubos nilang maunawaan ang konsepto at doktrinang pinag-aaralan.

Ang aking pilosopiya sa pagtuturo ay gawing kasiya-siya ang pag-aaral sapagkat mas higit na matututo ang mag-aaral kapag siya ay natutuwa sa kanyang pag-aaral. Upang mabawasan ang stress, ang mga kaso ay paunang iniatas na sa mga indibiduwal upang makatipid ng oras sa resitasyon at mapaghandaan ng estudyante ang kasong nakatalaga sa kanya. Nagdisenyo din ako ng mga gawain pang-pangkat upang mahasa sa kolaborasyon ang mga mag-aaral. Gamit ko ang Google forms sa aking mga pagsusulit na madaling malaman agad kung tama o mali ang sagot ng estudyante at may kalakip na itong paliwanag bakit tama o mali ang sagot. Sa aking pag-iisip, ang paraan ni Socrates, midterms at finals ay hindi na eksklusibong mga pamamaraan sa pagbibigay ng kaalaman sa batas at pagtatasa sa pagkaunawa ng estudyante sa aralin.

Nagpapasalamat ako kay Dekano Jose I. de la Rama Jr. sa pagbibigay ng mga seminar sa TSU Faculty na nakatulong sa ating paglipat sa virtual classroom. Masuwerte kami na magkaroon ng isang Dekano na may kakayahan, progresibong pag-iisip at lakas ng loob na umangkop sa bagong normal sa ligal na edukasyon.”

AUTHOR PROFILE