Vic Reyes

“Paigtingin ang ugnayan ng BOC at importers”

March 13, 2024 Vic Reyes 114 views

KAGAYA ng ibang Filipino, naniniwala tayo na ang Bureau of Customs (BOC) at mga importador ay “partners in nation-building.”

Sa totoo lang, kung walang importasyon ng mga negosyante ay walang papatawan ng buwis at taripa ang mga taga-BOC.

Dapat magtulungan at hindi magbangayan ang dalawang grupo na ito na parehong may ginagampanang mahalagang role.

Kaya tama lang ang taunang pagpaparangal ng BOC sa top taxpayers.

Kamakailan nga ay ginanap ng BOC-Post Clearance Audit Group (PCAG) ang taunang “Stakeholders Engagement and Awarding Ceremony.”

Dito pinaparangalan ng BOC-PCAG ang mga top taxpayers ng taon.

Ang 2023 top taxpayers ng BOC ay ang JT International (Philippines), Inc., Anda Power Cororationmm Merck Sharp & Dophme (IA) LLC, Royal Canin Philippines, Inc., Nestle Philippines, Inc., Mondselez Philippines, Inc., GNPower Dinginin Ltd. Co at CSC Time, Inc.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na ang mga kompanyang ito ay pinarangalan “for their exemplary commitment to paying duties and taxes to the government.”

Ipinarating din ni Maronilla ang commitment ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na lalong paiigtingin ang ugnayan ng BOC at importers.

Sabi ni Maronilla: “We are all part of one Customs family, stakeholders and the government should work hand in hand.”

Sa kanyang opening remarks, inisa-isa ni Melvin Joseph L. Banzon, hepe ng Audit Division 2, ang mga mahahalagang gampanin ng PCAG.

Ayon sa kanya, PCAG “ensures the BOC’s efficienmcy as a revenue-generating agency” ng Department of Finance (DOF).

Ang awarding ceremony, na dinaluhan ng iba pang BOC officials at stakeholders, ay ginanap sa conference room ng Office of the Commissioner (OCOM).

Tama si Commissioner Rubio na dapat magtulungan ang BOC at importers.

“We will work with, we will hear you out, and we will adapt to meet your needs,” dagdag pa niya.

***

Magandang balita para sa estudyante, guro at magulang.

Pinapayagan ng Department of Education (DepEd) ang suspension ng face-to-face (F2F) classes sa mga lugar na sobra ang init panahon.

May mga lokalidad kaso sa ibat-ibang parte ng bansa na napakatindi ng init dahil sa umiiral na El Nino weather phenomenon .

Isa pa, alam ng mga otorida na talagang panahon na ng tag-init sa Pilipinas.

Kapag sobra ang init ng panahon, kawawa ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan dahil marami sa mga silid-aralan dito ay wala man lang electric fan.

Sa private schools, ang mga kwarto dito.

***

Panahon na para mahuli lahat ang mga mapagsamantalang negosyante sa buong bansa.

Dahil sa kanila ay nagkakaroon ng overpricing ng tinatawag na essential goods. lalo na ang pagkain sa maraming lugar.

Kung minsan ay itinatago ng mga mapagsamantalang negosyante ang ibang produkto para lang dumaas ang presyo ng mga ito.

Ang hoarding at overpricing ay ginagawa kung may kalamidad o national emergency.

Dahil sa kakulangan ng manpower ay nahihirapan ang gobyerno na patigilin ang profiteering at hoarding, lalona sa kanayunan.

Kaya dapat taumbayan na ang tumulong sa gobyerno para protektahan ang interest ng consumers.

(Para sa inuong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang amg hukng panhalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE