Balilio

Pagsipsip sa natirang langis sa MT Princess Empress natapos na—PCG

June 18, 2023 People's Tonight 152 views

NATAPOS na ang pagsipsip sa langis na natira sa loob ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo na natapos ang pagsipsip ng mas maaga sa target na Hunyo 19.

““So, yesterday we were shown the footage together with OCD (Office of Civil Defense), DENR (Department of Environment and Natural Resources), LGU (local government unit), BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources), and Department of Science and Technology. Pinakita ho sa amin na wala ng laman iyong mga tangke, so parang (declared) nila lang completed na po iyong oil spill recovery doon sa Mindoro,” sabi ni Balilo.

Kinailangang sipsipin ang langis na naiwan sa tangke ng tanker upang hindi na ito tumagas at kumalat sa dagat.

Nagsimula ang siphoning operation ng Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal noong Mayo 29. Kinuha ng Malayan Towage and Salvage Corp. (MTSC) ang serbisyo nhg naturang kompanya.

Mayroong 800,000 litro ng industrial oil ang MT Princess Empress ng ito ay lumubog noong Pebrero.

AUTHOR PROFILE