BBM

Pagbasura ng Comelec sa DQ case ni BBM ikinatuwa ng milyun-milyon

February 11, 2022 Tess Lapuz-Lardizabal 1040 views
Rodriguez
Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at Spokesperson ni presidential candidate Bongbong Marcos

Tess LardizabalNANAIG ang katotohanan, batas, malinis na hangarin ni presidential Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ibangon ang Pilipinas mula sa pandemya at ang dasal ng milyon-milyon niyang taga-suporta na siya ay gabayan laban sa mga di kanais-nais na mga intensyon.

Simula’t simula pa lang ay hinikayat na ni Marcos ang lahat na magkaisa.

Ito ay sa kabila ng mga disqualification cases na ipinukol sa kanya upang madiskaril ang kanyang pagtakbo bilang presidente at muling makatulong sa mga Pilipino.

Kung kaya’t ng milyun-milyong taga-suporta niya ang nagbunyi matapos ibasura ng Commission on Election (Comelec) 1st Division ang sama-samang disqualification case laban sa kanya.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at Spokesperson ni Marcos, nangibabaw ang rule of law sa inilabas na desisyon ng Comelec na labis na ipagpapasalamat ng mga taga-suporta ni BBM.

Sinabi pa ni Atty. Rodriguez, tila nabunutan sila ng tinik sa lalamunan dahil wala ng magsisilbing balakid sa kandidatura ni BBM.

Kasabay nito ay nanawagan ang kampo ni Marcos ng pagkakaisa para sa malinis at maayos na halalan ngayong Mayo.

Ani Atty. Rodriguez, tama na ang away, tama na ang bangayan, sama-sama nating harapin ang bukas na may taglay na pag-asa at pagkakaisa.

“We are extending our hand of unity even to the fiercest of adversaries and invite them to work together in ensuring clean, fair, and credible elections as our initial collective contribution towards nation-building for the future of our people, the Filipino children and the youth, and for our beloved Philippines to move forward,” pahayag pa ni Atty. Rodriguez.

Una dito, sa botong 2-0 ay ibinasura nina Comelec Commissioner Aimee Ferolino na siyang ponente sa kaso at Comm. Marlon Casquejo ang mga kasong disqualification laban kay BBM dahil sa kawalan ng merito.

Binibigyan naman ng limang araw ang mga petisyuner na kinabibilangan ng Akbayan Citizens’ Action Party, Martial Law survivor Bonifacio Ilagan at Abubakar Mangelen na dating chairman ng Partido Federal ng Pilipinas para iapela ang desisyon.

Diniing muli ni Atty. Rodriguez ang paulit-ulit na panawagan ni Marcos na magkaisa na ang lahat upang sabay-sabay na bumangong muli ang lahat ng Pilipino mula sa pandemya.

Naging consistent din si Atty. Rodriguez at Marcos sa paghimok sa mga taga-suporta na dapat ang lahat ay may kontribusyon sa panawagan nilang pagkakaisa.

“Siguro naman kung hindi man tayo magkasundo sa maraming bagay, sana ay magkasundo tayo sa paniniwalang kakayanin natin ito para naman kung haharap tayo sa buong mundo ay maisisigaw natin na ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino,” ani Marcos sa mga naunang talumpati.

Sinabi rin ni Marcos na ang kailangan nila ay “a victory not only in the May Elections, but a victory of unity that will usher our country to a better future.”

Para sa inyong komento o suhestiyon, mag-email sa [email protected] o mag-text sa 09178438487.