Acorda

Pagbabantay sa pantalan paigtingin–PNP chief

March 25, 2024 Zaida I. Delos Reyes 61 views

INATASAN ni Philippine National Police Chief General Benjamin Acorda Jr. ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyang pandagat sa mga pantalan ngayon long weekend.

Inutusan din ni Acorda ang PNP na tulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) na tiyakik na walang overloading o overcrowding sa mga passenger vessels lalo na sa mga pantalan na walang coast guard.

Matatandaan na humingi ng tulong sa PNP ang PCG dahil limitado lamang ang kanilang tauhan na magmo-monitor sa mga illegal na naglalayag.

Sinabi ni Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalia ng PCG, na kailangan din nila ang tulong ng publiko upang maiwasan ang mga colorum na sasakyang pandagat at para na rin makaiwas sa mga posibleng sakuna.

Bukod sa PNP at PCG, ikakalat din ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health, Department of Transportation at Land Transportation Office dahil inaasahan ang mahigit 2 milyong pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa buong bansa ngayong Mahal na Araw.