BBM2 Source: PCO

PBBM magaling na sa sakit, balik trabaho na

March 25, 2024 Chona Yu 115 views

MATAPOS ang ilang araw na pahinga, gumaling na sa sakit na trangkaso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Katunayan, balik trabaho na si Pangulong Marcos ngayong Marso 26.

Sa abiso ng Presidential Communications Office, magsasagawa ng sectoral meeting si Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang ibang miyembro ng Gabinete para pag-usapan ang national security dahil sa nagaganap na tensyon sa West Philippine Sea bunsod ng patuloy na panggugulo ng China.

Pupulungin din ni Pangulong Marcos ang ilang opisyal para talakayin kung paano maiibsan ang epekto ng El Nino sa bansa.

Alas dos naman ng hapon, haharapin ni Pangulong Marcos ang United States Congressional delegates na magsasagawa ng courtesy call sa Palayso ng Malakanyang.

Kabilang sa mga makakausap ni Pangulong Marcos sina Senators Kirsten Gillibrand, Jeanne Shaheen, Roger Marshall, Mark Kell, Cynthia Lummis, Michael Bennet at Representative Adriano Espaillat.

Alas tres ng hapon, magsasagawa ng courtesy call kay Pangulong Marcos si Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar sa Palasyo ng Malakanyang.

AUTHOR PROFILE