Alien

Pagbabalik-serye ni Marian pinusuan ng viewers

April 6, 2024 Ian F. Fariñas 70 views

Mainit na tinanggap ng viewers ang comeback series ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang My Guardian Alien.

Mula pilot episode noong April 1, patuloy na namamayagpag sa ratings ang serye.

Todo-puri rin ang netizens sa kuwento nito na puno ng damdamin.

Unang linggo pa lang pero marami na ang kinilig, natuwa, namangha at naiyak sa pamilya nina Katherine (Marian), Carlos (Gabby Concepcion) at Doy (Raphael Landicho).

Komento ng ilang netizens sa GMA Network Facebook page, “I really love the execution of the scenes in My Guardian Alien. Talagang kapana-panabik lahat ng mga ganap at sa pilot episode pa lang, pinakita talaga ng ating Primetime Queen Marian na siya talaga ang may hawak ng trono mula noon hanggang ngayon, walang kupas!”

Dagdag pa ng ibang Kapuso, “Ganda lahat mula story, location, pang-Best Picture ‘to kung naging movie. Grabe talaga si Direk Zig (Dulay). ‘Yung visuals ng mga gawa niya sobrang ganda talaga. Sobrang pleasant sa mata.”

Nitong April 4, nasaksihan ng lahat ang official touchdown sa Earth ng pinakamagandang alien sa balat ng lupa.

Paano niya babaguhin ang buhay ng mag-amang Carlos at Doy? May puwang nga ba sa mundo ng mga tao ang isang alien?

Tutukan ang My Guardian Alien mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits at Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.

AUTHOR PROFILE