Default Thumbnail

Pagbabalik ni John Lloyd wrong timing?

May 24, 2021 Joey Aquino 557 views

MUKHANG wrong timing ang balitang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz.

John Lloyd Cruz

Sa gitna ng pandemya, marami sa mga sikat na artista ang piniling mag-leave muna sa showbiz. Isa na rito ang kanyang naging leading lady na si Sarah Geronimo na ini-enjoy ang buhay may-asawa sa piling ng kanyang husband na si Matteo Guidicelli. Pero itong si Lloydie, naisipan namang balikan ang buhay-artista. Matatandaan na pansamantalang tinalikuran ng aktor ang limelight nang mag-live in sila ng aktres na si Ellen Adarna. Nagkaroon sila ng isang anak ngunit naghiwalay din. Ngayon, engaged na si Ellen kay Derek Ramsay. Habang si Lloydie ay single and ready to mingle pa rin. At wala pang napapabalitang nali-link sa aktor.

Nakakalungkot na hindi niya napagtagumpayan ang magkaroon ng isang buong pamilya. Nasa poder ni Ellen ang kanilang anak. Mula nang maghiwalay sila ng aktres, kung saan-saan nakikita si Lloydie. Mukhang na-enjoy naman niya ang ordinaryong buhay.

Ayon sa naglabasang pahayag ng aktor, pagiging burn out daw ang dahilan ng kanyang sabbatical leave sa showbiz. Pero ngayon, mukhang natagpuan na niya ang kanyang sarili. Balitang ima-manage siya ni Maja Salvador na nagtayo na sariling talent agency.

Comment ng isang kaibigan na TV writer, may attitude daw itong si Lloydie base sa personal nitong encounter sa aktor. Kaya sana raw huwag nang pairalin ang attitude nito sa kanyang pagbabalik. At kaya raw balik-showbiz siya dahil naging masaklap din daw ang takbo ng kanyang personal na buhay. Kaya wala siyang choice.

Ngayong tuluyan nang binago ng pandemya ang entertainment industry, kikislap pa rin kaya ang bituin ni Lloydie gaya nang dati? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE