Default Thumbnail

P4.9B agri, infra winasak nina Egay, Falcon sa CL

August 13, 2023 Steve A. Gosuico 171 views

CABANATUAN City–Umabot na sa mahigit P4.9 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Egay at Falcon at habagat sa Central Luzon, ayon sa Office of Civil Defense Region 3.

Sa bulletin noong Sabado, tinantya ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 3 ang kabuuang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa P2.2-bilyon at P2.7-bilyon dahil sa magkakasunod na sama ng panahon.

Aabot sa mahigit P1.6-bilyon ang pinsala sa agrikultura gaya ng palay, mais, high value crops at livestock at aabot naman sa P606-milyon ang pinsala sa pangisdaan at aquatic resources.

Naitala ang pinsala sa imprastraktura sa P2.5-bilyon bukod sa halaga ng pinsala s imprastraktura sa agrikultura na umabot sa mahigit P215-milyon.

Sinabi ng RDRRMC-3 na may kabuuang 3,106,846 katao na binubuo ng 791,643 pamilya ang naapektuhan sa 1,221 barangay sa buong Central Luzon.

Nasa 2,456 na pamilya at 8,812 katao ang kasalukuyang mga nasa mga evacuation center habang ang nasa labas naman ang 8,883 pamilya.

Iniulat din ng Office of Civil Defense 3 na mahigit P216-milyong halaga ng tulong ang naibigay ng regional office 3 ng Department of Social Welfare and Development at mga local government units sa mga apektadong indibidwal at pamilya.

AUTHOR PROFILE