MPD Ininspeksyon ni MPD Chief Andre P. Dizon ang mga sasakyang idedeploy sa Lunes, Marso 6 hanggang 11, sa gitna ng tigil-pasada sa Kalakhang Maynila. Kasama ni Dizon si P/Col. Igmedio Bernaldez, chief ng Logistics Division-MPD. Kuha ni JON-JON REYES

Oplan: Libreng Sakay inihanda ng MPD para sa maaapektuhang pasahero

March 4, 2023 Jonjon Reyes 374 views

INIHANDA na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang mga vehicle assets nito bilang tugon sa tigil-pasada sa darating na linggo mula Lunes, Marso 6, 2023 batay sa utos na rin ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang “libreng sakay” sa buong

Ayon sa anunsyo ni Mayor Lacuna-Pangan sa kanyang The Capital Report program, inatasan nito ang MPD, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na magdeploy ng mga sasakyan para sa posibleng maii-stranded na mga mananakay, kung matutuloy ng isang linggong tigil-pasada.

Dahil dito, nakaalerto na ang buong kapulisan ng MPD, mula Lunes ng 5:00 ng madaling araw para sa pagsisimula nng libreng sakay.

Magpapakalat sampung bus, 17 pickup truck, tatlong truck, dalawang transporter, at isang command unit na bibiyahe sa ilang mga ruta.

Mula sa Vito Cruz sa Taft Avenue hanggang Quezon Boulevard, sa España Boulevard hanggang Welcome Rotonda sa boundary ng Quezon City.

Mula naman sa Jose Abad Santos Avenue hanggang R. Papa sa Rizal Avenue, sa United Nations (UN) Avenue sa Taft Ave hanggang R. Papa sa Rizal Avenue.

Maging sa Claro M. Recto hanggang sa SM Sta. Mesa sa boundary pa rin ng lungsod ng Quezon.

Magkakaroon din ng libreng sakay mula sa UN Taft Avenue hanggang P. Ocampo St. sa Malate.

Kung manggagaling naman sa Monumento sa Caloocan, hanggang sa Divisoria ay dadaan ito sa Jose Abad Santos Avenue.

Ganun din sa Divisoria patungong Buendia, boundary ng Makati City vice versa.

Sa Buendia naman, dadaan ng Taft Avenue patungong Monumento, ang daraanan ay sa Rizal Avenue.

Kung manggaling naman sa Buendia Taft Avenue, dadaan ito sa Quezon Boulevard hanggang Welcome Rotonda.

Bukod dito, ipapagamit din ang mga e-trikes para sa libreng transportasyon sa kahabaan ng “secondary roads” sa lungsod.

Personal namang susubaybayan ni Mayor Honey at ni MPD Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon ang deployment ng mga sasakyan sa Lunes ng umaga na magsisimula sa Kartilya ng Katipunan.

Gayunman, mariin ang bilin ni Dizon ang paghihigpit ng seguridad sa mga mananakay na huwag samantalahin ng ibang pumapasada ang paninigil ng sobrang pamasahe dulot ng malawakang protesta ng ilang transport group.

AUTHOR PROFILE