Default Thumbnail

Official campaign period, magsisimula na bukas

February 6, 2022 Vic Reyes 323 views

Vic ReyesMAGSISIMULA na bukas, Pebrero 8, ang 90 araw na “official campaign period” ng mga kandidatong nasyonal.

Dapat ipakita ng Commission on Elections (Comelec) na kaya nilang ipatupad ang lahat ng election laws, rules at regulations.

Lalo na ang tungkol sa pagkakabit ng campaign materials.

Huwag nang payagang kung saan-saan lang ipinapaskil ang mga tarpaulin at poster ng mga kandidato.

Sa mga “common poster area” lang dapat maglagay ng campaign materials.”

Baka naman puwedeng i-deputize ng Comelec ang mga opisyal at kawani ng mga barangay para sila ang magbaklas ng mga iligal na campaign material.

Okay lang ito kasi ang mga opisyal ng barangay ay non-partisan.

Bawal sa kanila ang sumali sa partisan political activity.

Pero paano naman ang mga barangay opisyal na kandidato ngayon sa pagka-alkalde, bise alkalde at konsehal?

Kailangan ba silang mag-resign o mag-leave man lang?

Ano sa palagay niyo, DILG Undersecretary Martin Diño?

Mukhang nakalalamang ang mga kandidatong ito dahil sila’y nasa puwesto ngayon.

Aksyon na Usec Diño.

***

Panahon na para bumalik ang mga bata sa face-to-face classes. Lalo na sa basic education na kung saan nagsisimula pa lang umusbong ang kakayahan ng mga bata.

Huwag natin kalimutan na kailangan ng mga bata ang gabay ng isang guro para ito’y matuto.

Maraming taon ang ginugol ng mga guro sa pag-aaral para malaman kung paano ang wastong pagtuturo sa mga bata.

Naniniwala tayo na maraming bata pa rin ngayon ang hindi marunong bumasa dahil umaasa lang sila sa mga module.

Heto pa, kadalasan, mga magulang o guardian lang ng mga bata ang sumasagot sa test paper na linggo-linggong kinukuha sa paaralan o barangay hall.

Bago pa ang epidemya, marami na ang mga batang hindi marunong bumasa, ngayon pa kaya na mga magulang lang ang nagtuturo sa kanila?

Hindi naman natin sinasabi na hindi marunong magturo ang mga magulang, iba lang talaga kapag titser ang nagtuturo.

***

Sa mga kandidato sa pagka-senador, lamang na ang mga national figure.

Kasama na dito sina dating PNP Chief Gen Guillermo Lorenzo Eleazar.

Bago pa naging hepe ng pambansang pulisya, household name na si Eleazar sa buong bansa.

Sumikat siya dahil sa kanyang mga kahanga-hangang katangian bilang sundalo at pulis.

Galit sa kanya ang mga kriminal pero iniidolo siya ng maraming mamamayan.

Hindi lang mahihirap at ordinaryong tao ang saludo sa kanya.

Pati ang mga tinatawag na “rich and powerful” ay bilib kay Eleazar.

Strict but fair kasi si Guilor sa pagtupad niya ng kanyang tungkulin.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE