Coney

Netizens, natuwa sa cute moments nina Coney at Tali

July 1, 2022 Jun Nardo 270 views

ALIW na aliw si Coney Reyes sa anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali.

Nagkita-kita sina Coney, Vic at Pauleen sa oathtaking ni Vico Sotto bilang reelected Pasig City mayor. Anak nina Coney at Vic si Vico.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa cute moments sa selfie nina Coney at Tali sa social media.

Uploaded din sa Instagram Story ni Coney ang picture nila ni Tali.

‘EAT BULAGA’ SA ZAMBOANGA

BIRTHDAY/ANNIVERSARY ngayong araw na ‘to, July 2, ng Eat Bulaga.

Sa unang pagkakataon ngayong maluwag-luwag na ang restrictions, live na mapapanood ang Bulaga mula sa Zamboanga del Norte.

Sa Zamboanga unang gagawin kanilang Sugod Probinsiya.

Ang magpapasayang Dabarkads ay sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza at Maja Salvador.

Special guests naman ng programa sina JK Labajo, Ronnie Liang at Tony Labrusca.

Nadagdagan na naman ng taon ang Bulaga bilang longest-running noontime show sa TV.

Happy anniversary, Eat Bulaga!

GMA-7-QUANTUM COLLAB

ANG Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang bagong ka-partner ng GMA Network sa paghahatid ng bagong show.

Kasado na ang GMA-Quantum collab na What We Could Be na pagsasamahan nina Miguel Tanfeliz at Ysabel Ortega na ipinalabas kahapon sa GMA Facebook page.

Nakagawa pa ng music video sina Miguel at Ysabel para sa nasabing collab na ngayon pa lang ay inaabangan na ng viewers.

AUTHOR PROFILE