Rita

Rita, ayaw pangalanan ang ama ng anak

July 1, 2022 Vinia Vivar 313 views

Nasa second trimester na ng pagbubuntis si Rita Daniela at ibinahagi niya sa kanyang sit-down interview sa GMA-7 ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay ngayon.

“I’m very, very excited and happy because this is a new chapter in my life na hindi siya mapapalitan ng kahit ano, hindi siya matutumbasan ng kahit ano. Excited to be a mom kasi ever since I was a kid, dream ko to be a mo,” pahayag ni Rita.

“Nagdalawang beses na akong nag-portray ng nanay, na sobrang laki pa ng tiyan ko. Dati, iniisip ko pa, ganito ba talaga kapag nanay? Ngayon, nai-experience ko na ‘yung pinu-portray ko na dati,” sabi pa ng aktres.

Dahil sa pagbubuntis, ani Rita, maraming pagbabago sa kanyang katawan.

“’Yung emotional side, dahil sa hormones, ramdam na ramdam ko na siya tapos ‘yung pagbabago sa physical. I’ve always been on the bigger side, mas nararamdaman ko ‘yung balakang ko, at mas lumalaki siya. Sumasakit ‘yung likod ko, napansin ko rin hinihingal ako kahit kumakain ako hinihingal ako. Nu’ng una, hindi ko pa matanggap,” aniya.

“Noong una pinush ko pa talaga, ayaw kong maging tamad na buntis, eh, kaya sabi ko, hindi ‘yan, kaso ’pag pinush ko, bumibigay ‘yung katawan ko. Talagang pagod na pagod ako, hindi ako makabangon, hindi ako makalakad kasi masakit paa ko. Totoo pala siya, you really have to take extra care.”

Ibinahagi rin ng aktres na siyempre ay maingat siya ngayon sa kanyang mga kinakain at wala raw siyang partikular na pinaglilihian.

“Definitely the food, I have to be careful. Maraming nagtatanong, anong pinaglilihian ko, honestly wala. Kung maglihi man ako two days lang tapos ayaw ko na. Ang lagi kong hinahanap in every meal, laging may sabaw, laging may gulay, saka fruits. Pinipilit kong kumain ng healthy,” she said.

Ang talagang hindi pa mai-share sa ngayon ni Rita ay ang boyfriend na ama ng kanyang dinadala dahil non-showbiz naman daw ito.

“It’s my decision not to share anything about us, about him to everyone because he’s not a showbiz personality. He’s a private person and our relationship has always been private,” she said.

Samantala, naging positibo ang pagtanggap ng mga tao, especially ng kanyang fans sa kanyang pagbubuntis and for that, very thankful ang aktres.

“Thank you so much kasi lagi silang nandiyan, ramdam ko ‘yung mga totoong fans na hindi humihingi ng kapalit, na masaya man ako, malungkot man ako, may pagsubok man sa buhay ko, lagi lang silang nandiyan para sa akin naka-suporta.

“Ang sarap sa feeling na magkaroon ng ganoon na walang kapalit and ever since, ‘yun ang pinaparamdam sa akin ng supporters ko and I’m very grateful talaga,” pagtatapos ni Rita.

AUTHOR PROFILE