Dantes

Netizens, naalarma sa braso ni Zia

January 29, 2024 Vinia Vivar 180 views

Bumaha ng positive reaction mula sa netizens ang dalawang larawang ipinost ni Dingdong Dantes sa Instagram.

Ang unang photo ay larawan ng dalawa nilang anak ni Marian Rivera na sina Zia at Sixto na naglalaro ng football at nag-aagawan ng bola.

“Some football showdown to celebrate Lolo Jigg’s birthday,” caption ni Dong.

Ang Lolo Jiggs na tinutukoy ng aktor ay ang kanyang ama na si Sixto Dantes.

Nag-comment si Marian at sey niya, “Sino taga awat?”

Kasunod nito ay nag-post ulit si Dong ng isa pang larawan ng paglalaro ng football ng mga anak but this time ay kasama na si Marian.

Caption naman ng aktor, “At ang referee! @marianrivera.”

In both photos ay kapansin-pansin na nakabalot ng bandage ang isang braso ni Zia at sa comment section ay itinanong ni Kim Atienza kung ano ang nangyari.

“What happened to Zia’s arm?” tanong ni Kuya Kim.

Sinagot naman ito ni Marian at sinabing nahulog si Zia pero okay na ito ngayon.

“@kuyakim_atienza kuya na hulog pero okay na sya bukas baka tanggalin na,” sey ni Marian.

Ang isa pang pinagkaguluhan ng netizens aside from Zia’s arm ay ang hitsura ni Marian na parang ate lang nina Zia at Sixto.

“Nagdalawang tingin ako, akala ko yung anak ng kapatid nya dalaga na… si Marian pala! bampira ka talaga @marianrivera di man lang natanda,” komento ng isang netizen.

“Parang mag ate lang,” sey naman ng isa pa.

“Parang magkapatid lang sina Marian and Zia. Good to hear that Zia’s arm is ok now,” comment ng isa pang fan.

“Priceless moment,” reaksyon naman ng isa pang IG user.

TUMITINDING BARDAGULAN!

Patok sa viewers ang latest GMA Afternoon Prime series na Makiling na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio, 4 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Gigil na gigil na rin ang viewers sa mga pang-aapi nina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Teejay Marquez at Claire Castro o ang Crazy 5 sa serye.

Patunay dito ang pataas nang pataas na ratings ng nasabing revenge drama. Pero tila nagsisimula pa lang ang maiinit na eksena.

Tuloy ang pagli-level-up ng pambu-bully kay Amira (Elle) ng Crazy 5. Pati si Alex (Derrick), magiging target ng power trip ni Seb (Kristoffer).

Kung ang kapatid ni Amira na si Rose (Thea Tolentino), mukhang natuto nang makisabay sa mga taga-Maynila, sina Amira at Alex, parang lalamunin ng buhay ng lungsod.

Pero para sa tatay na may sakit at para rin mapag-aralan ang misteryosong halaman na Mutya, laban lang ang bidang si Amira.

Excited na nga ang viewers sa mas matitindi pang bardagulan sa pagitan ni Amira at Portia (Myrtle). Isama pa riyan ang away ng magkapatid na si Amira at Rose.

AUTHOR PROFILE