Crime

Negosyante pinatay na, ninakawan pa

October 27, 2023 Bernard Galang 262 views

ISANG negosyante na imbes na makasingil sa kanyang mga customer ang pinatay at ninakawan ng dalawang hindi nakilalang suspek na naka-motor noong Huwebes sa Bgy. San Vicente, Malolos City, Bulacan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig Gen. Jose Hidalgo Jr., nakilala ang biktima na si Manolito Manahan, 55, ng Bgy. Caniogan, Malolos, Bulacan.

Ayon sa mga pulis, nangongolekta ng pera ang biktima sa kanyang mga customer nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang target, kinuha ng mga suspek ang beltbag ng biktima.

AUTHOR PROFILE