Default Thumbnail

Nawawalang lalaki, natagpuang may gilit sa leeg

May 23, 2023 Gil Aman 324 views

PATAY ang isang lalaki ng matagpuan Lunes ng madaling araw matapos gilitan diumano ng malalim na sugat sa leeg ng hindi pa nakikilalang suspek saka itinapon sa madamo at masukal na bahagi ng Barangay San Cristobal, San Pablo City, Laguna.

Base sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas kay OIC Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, ang bangkay ng biktima, sa ulat ng San Pablo police, ay natagpuan dakong alas-6:30 ng umaga sa Purok 7 Bgy. San Cristobal sa naturang lungsod.

Una dito, unang iniulat ng live-in partner ng biktima ang pagkawala nito na itinago muna sa alyas na “Roland” matapos na hindi ito nakauwi sa kanilang tahanan.

Dahil sa pangyayari, humingi agad ng tulong ang partner ng biktima sa bayaw nito na isa umanong barangay councilor sa Dolores, Quezon.

Ayon sa ginang, ng umalis sa kanilang tahanan ang biktima ay hindi na ito nakabalik kung saan natagpuang ang malamig ng bangkay nito sa bakanteng lote na masukal na may malalim na sugat sa leeg na tila umano ay ginilitan.

Samantala, patuloy naman ang follow-up operation ng San Pablo police para sa pagkakilanlan ng salarin at malalimang imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE