![Ronald](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/06/Ronald.jpg)
NAIA janitor nagsauli ng napulot na pera sa CR
Iba’t ibang currency na libo ang halaga
ISANG janitor ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA T2) ang nagsauli ng isang envolope na naglalaman ng libong halaga ng pera nitong Martes.
Ayon sa report, naglilinis ng comfort room ng NAIA T2 si Ronald Gadayan dakong 4:35 p.m. ng mapansin nito ang isang brown envelope sa trash bin.
Nang siyasatin nito kung ano ang laman, natuklasan ng janitor na naglalaman ang sobre ng ibat’ ibang currency ng pera (Philippine Peso, Korean Won at Japanese Yen).
Agad isinurender ni Gadayan ang napulot na cash sa Airport Police at mga awtoridad sa NAIA T2.
Si Gadayan ay matagal na ng naglilingkod bilang janitor sa nasabing pal ipa ran, ayon sa report.