Francisco Binigyan ng Kaibigan Award ng Manila Police District sa pamumuno ni MPD Director PBGen. Leo “Paco” Francisco sina Secretary to the Mayor Bernie Ang at FFCCCII External Affair Committee Chairman at CEO PGFLEX Nelson Guevarra. Kuha ni JONJON REYES

MPD pinarangalan ng Kaibigan Award Secretary to the Mayor Bernie Ang, traders

January 28, 2022 Jonjon Reyes 306 views

NAGSAGAWA ng Kaibigan Awards ang Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco matapos ganapin ang ika 121st anniversary sa MPD Headquarters sa U.N Ave,.Ermita Manila Huwebes ng umaga.

Kabilang sa mga pinarangalan ng “Kaibigan Award” ay si Secretary to the Mayor Bernie Ang ng Manila City Hall dahil sa walang sawa nitong pagtulong at pagsuporta sa mga kapulisan ng MPD.

Kabilang din sa mga tumangap ng nasabing parangal ay sina Manila Vice Mayor Candidate at 3rd District congressman John Marvin Yul Servo Nieto, 2nd District Rep. Rolando Valeriano ng Tondo, Manila at 6th District Congressman Bienvenido Abante ng Pandacan at Sta Mesa, Manila.

Kasabay nito binigyan din ng paranagal si FFCCCII External Affair Committee Chairman at CEO PGFLEX Nelson Guevarra na siya ring Chairman ng Station Advisory Council MPD Station 11 dahil sa wala sawa rin nitong pagtulong at pagsuporta sa MPD.

Ayon kay MPD Director Leo Francisco, lubos siyang nagpapasalamat sa mga naparangalan ng Kaibigan Award dahil sa kanilang walang sawang pagtulong at pagsuporta sa mga programa ng kapulisan sa Maynila.

Kabilang na din ang pagpapaayos ng mga presinto at dagdag pagpapanatili sa mga kagamitin tulad ng motorsiklo, mobile at iba pang gamit pang opisina.

Pinasalamatan din ni Gen. Paco sina President Aspirant Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna Pangan,mga naunang namuno at retirees ng MPD Headquarters,PDEA,at maging pamunuan ng MPD Press Corps sa mga naging suporta sa mga kapulisan.

Sa isinagawang programa ng MPD Anniversary inihayag ni Gen. Paco ang mga naging maayos at magandang mga aktibidades ng mga kapulisan ngayong panahon ng pandemya tulad ng Share ko Bunos ko, Lutong Pulis Maynila, Padyak ko Patrol Ko, at pagpapanatili ng mga mapayapang okasyon.

Kabilang naman sa mga matagumpay ng operasyon ng Manila Pulis ang mga pagkakahuli ng mga kriminal.

“Ang MPD ay palaging malinis, magalang at maasahan,” ani Gen. Paco. Nina JONJON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE