Andeng

Malasakit at Puso

January 28, 2022 People's Tonight 412 views

Pumukaw kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares ang panawagan sa Facebook ng nanay ng isang taong gulang na si Duffney Faith. Aminado si Mayora Ynares na naantig ang kanyang damdamin nang makita ang kalagayan ng isang munting anghel tulad ni Duffney kung saan ang tanging hiling ng nanay ni Duffney Faith ay isang nebulizer upang makatulong maibsan ang hirap at sakit mula sa dinadanas na asthma o hika ng kaniyang anak. “Sa mismong araw ay inutusan tayo ni Lord na ihatid natin ang hiling nilang nebulizer.

Nalaman din natin na birthday din pala ni Duffney Faith. Kaya bukod sa nebulizer, matamis ang ngiti ng ating birthday girl nang salubungin natin siya hawak-hawak ang isang birthday cake kasama ang mga laruan at makukulay na ballons,” sabi ni Mayora Ynares na mismong naghatid ng mga pang-birthday ng bata.

AUTHOR PROFILE