MPD Iniutos ni MPD Chief, PBGen. Leo M. Francisco sa kapulisan mula PS1 hanggang PS14 na panatiliin ang peace and order sa lungsod sa panahon ng lockdown. Kuha ni JON-JON REYES

MPD chief: Where PH goes, Manila goes

August 2, 2021 Francis Naguit 396 views

Francisco, Ibay ipapatupad maayos, mapayapang lockdown

INIHAYAG ni Manila Police District (MPD) Chief, PBGen. Leo M. Francisco Lunes na makipag-ugnayan ang mga station commanders mula PS-1 hanggang PS-14 sa mga barangay chairmen ng Maynila upang maayos na maipatulad ang lockdown alinsunod sa mga direktiba ng national government ukol sa Enhance Community Quarantine sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Francisco na sisiguraduhin ng kapulisan sa Maynila na magiging matiwasay at panatag ang loob ng mga mamamayan sa panahon ng lockdown at ECQ.

Ayon kay Francisco ay inatasan niya si Special Mayor’s Reaction Team (SMART) chief, Lt. Col. Rosalino Jhun Ibay na maging handa sa pagtulong sa mga Manilenyo na mangangailangan ng tulong at maging alerto sa mga manggugulo at di susunod sa ECQ bagama’t ipapatupad nila ang maximum tolerance alinsunod sa pinag-utos noi Philippine National Police chief na magsagawa ng pag tulong sa lahat ng mamamayanan sa lungsod ng maynila at lalong lalo na sa oras ng lockdown sa lungsod ng maynila.

Sinabi naman ni Col. Ibay na makikipagtulongan ang (Smart) sa lahat ng oras para suportahan ang mamamayanan sa lungsod ng maynila.

Sa lahat ng oras ang (Smart) ay patuloy na nagtratrabaho sa oras ng kailanganin anu mang oras simula noon at magpakailanman ayon kay Col. Jhun Ibay.

Sinabi pa ni Francisco kahit walang lockdown ay dapat magtulong tulongan ang lahat mamamayanan ng lungsod ng maynila sa katahimikan at pagbibigayan sa lungsod.

Kamakailan ay nagsagawa ng community pantry ang manila police headquarters at ang lahat ng station commanders na nasasakupan ni Francisco kasama ang SOCO , station of crime scene operation. With JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE