Biktima

Motorsiklo vs motorsiklo; kelot sugatan, bebot dedo

June 5, 2023 Gil Aman 248 views
Biktima1
Ang mga biktima matapos ang insidente sa Sta. Cruz, Laguna.

PATAY ang isang babaeng estudyante ng aksidenteng banggain ang minamanehong motorsiklo ng isa pang kasalubong na motorsiklo kung saan nagtamo naman ng mga sugat sa katawan Linggo ng umaga sa Highway ng Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.

Hindi muna ibinunyag ang pangalan ng biktima dahil sa pakiusap na rin ng magulang ng nasawi, ayon kay Police Major Gabriel Unay, OIC (Officer-in-Charge) ng Sta. Cruz police station.

Samantala, ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo ay kasalukuyan nilalapatan ng lunas aa isang ospital sa Sta. Cruz, Laguna.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas 5:00 ng umaga samantalang ang babaeng biktima na paliko sana upang magpakarga ng gasoline umano.

Ayon pa sa ilang saksi, dahil sa umano’y matulin ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ng lalaki ay nabangga nito ang biktima na tumilapon sa sidewalk ng highway.

Nakatakda namang sampahan ng pulisya ang sugatang suspek ng reckless imprudence resulting to homicide.

AUTHOR PROFILE