BBM

MOST INFLUENTIAL

April 18, 2024 Chona Yu 63 views

PBBM pasok sa 100 most influential people of 2024

Ng Time magazine

PASOK si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 100 Most Influential People of 2024 ng Time Magazine.

Kinilala ng Time ang mga hakbang ni Pangulong Marcos sa economic recovery matapos ang pandemya sa COVID-19 at kung paano niya inaangat ang Pilipinas sa pandaigdigang entablado.

Pinuri rin ang tindig o paninindigan ng Pangulo sa teritoryo ng Pilipinas sa gitna ng tensiyon sa rehiyon.

Sa 2024 Time 100 issue, binanggit na sa kabila ng mga nangyayaring problema ay sinisikap ng punong ehekutibo na maibangon ang kanyang pamilya at ang buong bansa.

Matatandaang nakapasok din sa 100 Most Influential People ng Time Magazine ang iba pang mga lider ng bansa tulad nina dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong 2013.

Sinabi naman ng Palasyo ng Malakanyang na ang pagkakasama ni Pangulong Marcos sa listahan ay sumasalamin ng kanyang brand of leadership.

“Under his Administration, the Philippines has experienced robust economic growth and recovery, exceeding expectations and instilling confidence in the country’s economic outlook,” saad ng Malakanyang.

“Despite geopolitical tensions and the hurdles posed by the COVID-19 pandemic, President Marcos has elevated the Philippines on the world stage and contributed to regional stability, notably in the Indo-Pacific region.”

Patuloy na pagsusumikapan ni Pangulong Marcos na maging maayos ang Pilipinas.

“The President continues to steer the country towards peace and prosperity towards his vision of a Bagong Pilipinas,” saad ng Palasyo.

AUTHOR PROFILE