Artes

MMDA tauhan na sabit sa proteksyon ng colorum na sasakyan sinibak

March 12, 2024 Edd Reyes 77 views

SINIBAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Don Artest ang ilang tauhan ng MMDA na inireklamong nagbibigay umano ng proteksiyon sa sindikato ng mga kolorum na pampublikong sasakyan.

Ayon kay Artes, kamakailan lang natuklasan nila ang paghahangad ng sindikato ng kolorum na pampublikong sasakyan na ma-infiltrate ang ahensya pero nabuko at nakilala ang mga sangkot na tauhan ng MMDA.

Under investigation na ang mga tauhan na hinihinalang sangkot sa sindikato kaya’t kinailangan muna nilang masibak sa puwesto para hindi naimpluwensyahan ang pagsisiyasat.

“Yung mga tauhan namin na may possible involvement ay na-relieved na particularly yung mga nasa anti-colorum unit namin at intelligence investigation office,” paliwanag pa ni Artes.

Mariin din niyang pinabulaanan na hindi kailanman nag-alok ng proteksiyon sa sindikato ng kolorum na pampublikong sasakyan ang MMDA at kung mapapatunayang sangkot ang ilan nilang tauhan tiniyak niyang masisibak ang mga ito at mahaharap pa sa kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE