Droga NAHULI–Swak sa selda ang isang bebot matapos na matimbog ng mga pulis dahil sa pagdadala ng baril at droga sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Babae huli sa droga, boga

March 12, 2024 Jonjon Reyes 70 views

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang 37-anyos na babae ng matimbog dahil sa umano’y pangangalakal ng ilegal na droga at pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Tondo, Maynila noong Lunes.

Nahuli ang ginang ng makita sa Sanchez St., Brgy. 259, Zone 23, District 2, Tondo, bandang alas-9:00 ng gabi

Nakumpiska sa suspek ang isang hindi pa batid na kalibreng baril, 6 na bala at shabu na tumitimbang ng isang gramo na may halagang P6,800.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang ginang.

AUTHOR PROFILE