Marijuana Ang nakumpiskang hinihinalang marijuana mula sa suspek na natimbog sa Araw ng mga Puso ssa Binondo, Manila. Mga kuha ni JONJON C. REYES

‘MJ’ binenta na bulaklak kuno, tindero tiklo

February 14, 2024 Jonjon Reyes 119 views

SuspekTIMBOG ang isang lalaki matapos magtinda ng hinihinalang marijuana na itinago bilang bulaklak ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Mesic Police Station 11 1:10 a.m. ng Miyerkules sa panulukan ng Elcano at Clavel Street, Binondo,Manila.

Nakilala ang lalaki sa alyas Joey Boy, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lugar .

Base sa ulat ni Police Lieutenant Col.Roberto Mupas,bagong hepe ng MPD Meisic PS.11 bandang 1:10 ng madaling araw nang masita ang binata sa naturang lugar.

Inakala ng kapulisan na bulaklak ang benebenta ng lalaki,subalit dahil sa umano’y may mga impormasyon na bentahan ng droga ang nasabing lugar,kaya’t nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba sa utos na rin ni Mupas na sugpuin ang sinasabing tulak ng marijuana.

Nakuha sa suspek ang dalawang bugkos ng hinihinalang marijuana.

Ayon pa kay Mupas, bilang bagong hepe ng Binondo, sisiguraduhin nito ang seguridad ng bawat mamamayan sa kanyang nasasakupang. Nagbabala rin siya sa mga kriminal na walang puwang ang mga ito sa kanyang area of responsibility.

AUTHOR PROFILE