Brawner

Military operations vs Daulah Islamiyah pinatindi ng AFP

December 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 122 views

PINAIGTING na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang operasyon laban sa Daulah Islamiyah terrorists sa Lanao del Sur.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na iniimbestigahan na rin nila ang ulat na nasa likod ng pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City ang grupo na kumitil sa buhay ng apat na indibidwal at ikinasugat ng mahigit 50 iba pa.

Nakatutok ang AFP sa paghahanap sa mga taong nasa likod ng pagpapasabog.

“We’re still in the process of investigating this. We are looking at the signature of the bomb and the Philippine National Police already has persons of interest.

Kaya tinitingnan po natin lahat yan. In the meantime your armed forces are already conducting a manhunt, a massive operation to go against the perpetrators of this incident,” pahayag ni Brawner.

Batay sa imbestigasyon ng military at police explosive experts, ginamit sa pagpapasabog ang isang 60mm mortar round na may kasamang RPG (rocket-propelled grenade) round.

Paliwanag n Brawner, may kakayahang lumikha ng malakas na pagsabog ang improvised explosive device (IED).

Sa ngayon wala pang nakikita ang PNP na anumang traces ng cell phone o kahit na anong device na ginamit sa pagpapasabog.

Hindi rin nila masabi na gawa ng suicide bomber ang pagsabog.

Kaugnay nito, nanawagan si Brawner sa publiko na maging alerto sa kanilang paligid at iulat sa kinauukulan ang mga kahina-hinalang kilos.

“Let us be aware of our surroundings, if we see a bag for instance unattended, i-report kaagad natin.

If we see for instance in a bus, somebody comes up with a bag at biglang bumaba na wala na yung bag nya, ireport kaagad natin. These things would help,” pakiusap ng opisyal.