Default Thumbnail

2 drug suspek todas sa Tacloban

December 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 181 views

PATAY ang dalawang drug suspek nang manlaban sa mga awtoridad sa isang buy-bust sa Tacloban City, Leyte.

Nakilala ang mga napatay na sina Edilberto Nalda, 53 at Michael Agner, nasa hustong gulang.

Na-recover mula sa kanilang pangangalaga ang limang sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Namatay ang dalawa nang maramdaman na mga alagad ng batas ang kanilang kausap.

Agad silang tumakbo sa loob ng bahay at pinaputukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kamatayan ng mga suspects.

Ikinasa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency dakong alas-9:00 ng gabi sa naturang lugar ang buy bust para timbugin ang dalawa.

Naaresto din ng mga pulis ang live-in partner ng isa sa mga suspects na nakilala na si Bong, 34.