‘Michael Jordan’, 7 pa timbog sa droga

June 4, 2022 Jonjon Reyes 122 views

MATAGUMPAY ang naging buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station Drug Enforcement Team (SDET) matapos matimbog ang “target” at sapul pa ang pito nitong kasabwat sa Sta. Cruz, Maynila madaling araw ng Sabado.

Ang target ng operasyon ay kaanib umano ng “Commando Gang” at residente ng Tondo, Maynila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Swak din sa selda ang pitong kasabwat ng suspek kabilang ang isang ‘Michael Jordan’ na pawang kakaharapin naman ang kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 na may inilaang piyansa.

Batay sa ulat na isinumiti ni P/EMS Rommel Rey, leader ng Team Swabe ng SDET kay P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng MPD-Sta Cruz Police Station 3, bandang 12:30 ng madaling araw nang ikasa nila ang buy-bust sa Aurora Boulevard, malapit sa panulukan ng Avenida Rizal sa Sta. Cruz buhat na rin ng natanggap na tip diumano ay talamak ang bentahan ng marijuana sa Tondo at Sta. Cruz.

Narekober ang nasa 10 bulto ng dahoon ng marijuana na aabot sa 400 gramo at may halagang P48,000.

Bukod sa ibidensiyang pinanghawakan ng mga awtoridad ay narekober din ang isang Yamaha NMax na motorsiklo.

AUTHOR PROFILE