MIAA

MIAA sa AOC, airlines: May duty kayo sa denied passengers

March 14, 2024 Jun I. Legaspi 112 views

PINAALALA ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines sa Airline Operators Council (AOC) at Philippine Airlines (PAL) ang kanilang responsibilidad sa mga pasahero na hindi pinayagang makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Ines sa AOC at para pag-usapan ang pangangasiwa sa mga pasaherong nahaharang sa paliparan.

Sinabi ni Ines na may responsibilidad ang mga airline company sa mga pasahero at ang pangangailangan na maibalik sila sa bansang pinanggalingan sa sandaling iturn over sila ng mga tauhan ng BI.

“I call upon our airline operators to do their part of the responsibility over passengers who are denied entry into the country.

We must remember that though inadmissible, they are still first and foremost, airline passengers. The responsibility of taking care of them does not end there,” saad ni GM Ines.

Nangako naman ang AOC na maghahain ng proposal kung paano itatrato ang mga pasahero na dapat pabalikin sa pinanggalingang bansa.

Tatalakayin anila ang panukala sa Bureau of Immigration upang matiyak na lahat ng probisyon sa Immigration Act ay masusunod.

Sa panig ng PAL, nangako ang kumpanya na itutuloy ang mga pasahero sa kanilang lounge na isinasailalim na sa konstruksyon sa NAIA Terminal 1.

Ang mga pasahero naman ng ibang airline ay may existing lounges sa Terminals 1 at 3 kung saan sila maaaring ma-accommodate.

Mayroong main lodging facility sa Terminal 3 ang MIAA na matatagpuan sa 2nd level at may extension malapit sa Gate 116.

Mayroong kwarto na may kama, simple storage, toilet at bath, charging station at simple dining area na may refrigerator at water station ang mga rooms nito.

Kaya nitong mag-accommodate ng 33 passengers. Sa NAIA Terminal 1, bubuksan naman ang isang bago at pinagandang lodging facility na may kaparehong pasilidad.

AUTHOR PROFILE