Suspek Kinakausap ni PLt.Col. Nelson Cortez, hepe ng MPD Malate PS9, ang naarestong suspek.

14-ANYOS PINATAY SA PAYONG

March 14, 2024 Jonjon Reyes 185 views

Suspek huli matapos ang insidente 12 years ago.

NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 ang isang 30-anyos na kelot na pinaniniwalaang hinambalos ng payong ang 14-anyos na lalaki na naging sanhi na pagkamatay ng huli 12 taon na ang nakakalipas.

Ang suspek ay naaresto makaraang mamataan ito sa Block 2, Lot 10, the Nest Peaks, Barangay Cupang Antipolo City, Martes ng hapon.

Nahaharap sa kasong homicide na may service of sentence ang suspek na kabilang sa talaan ng Most Wanted Person (MWP).

Ang suspek ay nakilalang si alyas “Kevin”, may asawa, customer service representative at nanunuluyan sa nasabing lugar,

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Coronel Nelson Cortez, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang 12:30 ng hapon nitong March 12, 2024 nang isilbi ang arrest warrant sa akusado.

Ayon sa korte, nagbunsod ang pag-aresto sa suspek makaraan umanong hatawin nito ng payong ang menor de edad.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima, subalit pagkalipas ng tatlong araw ay namatay din.

Ang insidente ay nag-viral pa umano sa social media.

Matapos ang mahigit isang dekadang paglilitis, naglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa suspek.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Cecilyn Burgos – Villavert, ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 102 ng Quezon City na may petsang March 1,2024, laban sa suspek para sa. kasong homicide na may service of sentence.

Base sa report ni Police Staff Sargent Solomon Batallier, may hawak ng kaso, matapos makipag- ugnayan ang akusado, ito na mismo ang nagbigay ng salaysay sa naturang insidente

Ayon sa salaysay ng mga kaklase ng biktima, napagbintangan ng mga suspek ang menor de edad na kinukursada umano sila habang namamasyal sila sa loob ng isang mall sa lQuezon City kaya’t nagawang paluin ng payong sa ulo ang biktima hangang sa mapaupo ito.

Agad isinakay sa wheelcahair ang biktima at naitakbo sa pagamutan 14 anyos na biktima na-komatose ng ilang araw. Makalipas ang ilang araw ay namatay ito sanhi ng pamumuo ng dugo sa utak.

Narekober pa sa pinangyarihan ang nabaling hawakan ng payong matapos na ipukpok ng suspek sa biktima.

Ayon naman sa salaysay ng ina ng biktima, “Malilit pa ang mga bata. siya matanda po siya, 19 anyos na po siya. Uung anak ko 14 anyos lang,.

Humingi pa daw umano ng sorry ang suspek sa mga magulang ng biktima.

AUTHOR PROFILE