Dizon Si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon (kaliwa) habang nagbibigay direktiba sa kanyang mga tauhan na huwag daanin sa ‘emosyon’ kung sakaling mabatikos ng media. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mga puna, batikos sa pulis ‘tanggapin’ – MPD chief

October 6, 2022 Jonjon Reyes 328 views

NAGPAALALA ang “ama” ng mga kapulisan ng Maynila na si Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon sa kanyang mga tauhan na huwag daanin sa “emosyon” kung sakaling makatanggap ng “batikos” mula sa media.

Ang pahayag ni Dizon ay dahil sa nangyaring pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid kung saan ang nakikitang motibo ay ang mga komentaryo nito sa mga ilang kawani at halal na opisyal sa pamahalaan.

Paliwanag pa ng MPD chief, bilang isang pulis, kaakibat nito ang salitang “maximum tolerance” sa lahat ng pagkakataon.

Aniya, natural sa aksyon at pagtupad sa tungkulin ng mga pulis ang mga reaksyon ng mga hindi “napapaboran at nasasagasaan.”

Giit nito, bilang pulis ay totoo ang katagang, “We cannot please everybody.”

Kaya bilin ng heneral sa kanyang mga tauhan kung mabatikos man ay sa halip ay harapin ang kung anumang usapin at matutong makinig.

AUTHOR PROFILE