Posas

MGA PATAY TESTIGO SA PANGHAHALAY

July 3, 2023 Melnie Ragasa-limena 328 views

SA sementeryo dumiretso ang isang tricycle driver sa halip na ihatid ang kaniyang menor de edad na pasahero at doon umano niya ginahasa ito.

Kinilala ni PLt.Col. Jerry Castillo, Novaliches Police Station (PS 4) commander, ang suspek na si Edwin Lau, 53.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang umano’y insidente 9 p.m. ng Hulyo 1, 2023. Katatapos lang umano mag online live selling ng 17 anyos na biktima sa bahay ng kaniyang kaibigan sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Pauwi na ang biktima at tiyempong nasakyan ang minamanehong tricycle ng suspek.

Nagpahatid umano ang biktima sa isang convenience store ngunit sa Holy Cross Cemetery umano siya ng suspek.

Ayon sa suspek ay may dadaanan lamang siya sa sementeryo.

Laking gulat ng biktima ng pagsamantalahan siya ng suspek sa loob ng sementeryo.

Agad na sinabi ng biktima ang nangyari sa kaniyang ina na siya namang nag report sa pulisya.

Naaresto ang suspek sa isang follow-up operation.