Default Thumbnail

Triker, dalaga sabit sa P34K na shabu

July 3, 2023 Jonjon Reyes 307 views

INARESTO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang isang dalaga at trike driver sa isang buy bust operation sa Barangay 649 Port Area, Manila linggo ng gabi.

Nakilala ang dalawa na sina Sadat Esmail, 30 anyos, alyas “Supremo,” binata, tricycle driver, at si R.R, 37, dalaga, kapwa residente sa Baseco Compound, Port Area.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Harold Celestra, hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Station 13 commander, bandang 10:10 ng gabi nang ikasa ang buy bust operation laban sa mga suspek.

Gamit ang Isang 500 marked money ng isa sa mga tauhan ng SDEU na nagpanggap na buyer, agad na sumulpot ang mga operatiba ng SDEU at mabilis na dinamba ang dalawa matapos kunin ang pera.

Narekober ang 12 sachet na hinihinalang “shabu” na nasa isang bulto at nagkakahalaga ng P34,000.

Kapwa nahaharap sa paglabag ng Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2002) ang mga nahuli.

AUTHOR PROFILE