Apolonio

Mga paliparan ligtas sa kabila ng lindol

May 4, 2023 Jun I. Legaspi 872 views

SA KABILA ng magnitude 5.5 na lindol na tumama sa Isabela, tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ligtas ang mga paliparan ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio, sa opisyal na report na pinadala ni CAAP Area 2 Manager Sul Sagorsor, naramdaman ang malakas na lindol 8:49 a.m., Huwebes

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang sentro ng lindol ay sa Maconaco, Isabela.

Kasalukuyan pa ring nangangalap ng mga impormasyon kaugnay sa pinsala ng lindol ang mga tauhan ng (Philvocs)

Ayon kay Apolonio, mabilis ang inspection na isinagawa ng CAAP personnel sa area, runway, tower building ng airport, mga gusali at iba pang equipment.

Walang nakitang damage sa sinuring mga infrastructure.

Agad bumali, sa normal ang operations ng Cauayan Airport matapos ang inspection, saad ni Apolonio.

AUTHOR PROFILE