DOH

Mga ospital naka code white alert dahil sa Bagyong Aghon

May 27, 2024 Chona Yu 87 views

INILAGAY na ng Department of Health (DOH) sa code white alert ang mga ospital sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Aghon.

Ito ay para matiyak na matutugunan ang pangangailangan ng mga residente na naapektuhan ng bagyo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na naging epektibo ang code white alert noon pang Mayo 24.

Sa ilalim nito, nakaalerto ang mga ospital sa pagresponde sa krisis na maaring dulot ng bagyo.

Tiniyak pa ni Domingo na gumagana ang mga ospital.

“Our hospitals are fully operational and ready to provide continuous medical services, even during the typhoon,” pahayag ni Domingo.

Patuloy namang binabantayan ng DOH ang iba pang ospital.

Una nang sinabi ng Pagasa na sa Mayo 29 inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

AUTHOR PROFILE