MPD Director

Mga baril nasamsam ng MPD dulot ng poll gun ban

March 17, 2022 Jonjon Reyes 287 views

AABOT sa 60 iba’t-ibang uri ng baril ang nasamsam ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga inilatag na checkpoints sa iba’t-ibang panig ng lungsod ng Maynila.

Nakumpiska ang mga armas simula noong Enero 1 hanggang sa kasalukuyan kasunod na rin nang ipinatutupad na election gun ban sa bansa dahil sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022.

Ito ang ipinarating na report kay MPD-Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco at ayon sa kanya, nakakulong at kinasuhan na sa Manila Regional Trial Court (MRTC) ang mga suspek na nahulihan ng baril.

Kasong paglabag sa RA10591 o illegal possession of firearms ang isinampang kaso sa mga nahulihan ng armas dulot ng “gun ban”.

Samantala, pinag-aaralan rin ang pagpapaiksi sa oras ng duty ng mga pulis para higit silang maging epektibo sa kanilang tungkukin.

Sa ilalim ng kasalukiyang sistema, hanggang 3rd shift ang duty ng mga pulis. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE