Default Thumbnail

Media ‘di dapat mabahala at ‘Buwenas’ sa Taguig!

July 11, 2023 Paul M. Gutierrez 210 views

PaulMULI, paumanhin sa matagal na ‘vacancy’ natin dito sa inyong paboritong pahayagan, ang People’s Journal Tonight. “Okupado” lang kasi tayo sa ating bagong trabaho bilang executive director ng PTFoMS—Presidential Task Force on Media Security. At muli, very many thank you ulit sa malawak na pang-unawa ng aking ‘Mommy’ Tess Lardizabal!

Binabasa ninyo ito dear readers, ay nasa “biyahe” na naman tayo upang personal na ihatid sa korte ang suspek sa pagpatay kay Calapan City blocktimer Cris Bundoquin na pinatay at nabaril noong Mayo 31, anim na araw lang matapos tayong maitalaga sa puwesto.

Samantala, inaasahan natin na ilang araw mula ngayon, mareresolba na rin ang bigong pamamaslang kay Joshua Abiad ng Remate Online sa Quezon City noong Hunyo 29.

Ano ang ating gustong sabihin? Eh, ano pa kundi, walang dapat ikabahala ang hanay ng media sa mga banta at pag-atake sa kanila dahil hindi naman natutulog ang gobyerno, sa pamamagitan ng PTFoMS na tiyaking mabibigyan ng katarungan ang sino man sa atin na dumaranas ng karahasan.

Ang ating mga tagumpay ay malinaw ring mensahe sa sino man na nagbabalak ng masama sa hanay ng media na hindi katulad sa mga nagdaang panahon, pagbabayaran ninyo at mananagot kayo sa ano mang karahasan na gusto ninyong gawin sa mga mamamahayag.

Naniniwala rin kasi tayo na ‘the certainty of punishment is the best deterrence in the commission of any crime,’ tumpak!

Kung may maganda mang nangyari sa paulit-ulit na motion ng Makati sa territorial dispute nito sa Taguig sa harap ng Supreme Court, ito ay ang pagbibigay-liwanag sa napakaraming benepisyong tinatamasa ng mga residente ng Taguig sa ilalim ng kanilang pamahalaang lungsod. Kung taga-Taguig ka, ang swerte mo talaga, ganern ba, Boss Joey Venancio?

Mula nang mapunta sa Taguig ang Fort Bonifacio, nagawa ng pamahalaang lungsod na gamitin ang pangunahing real estate na ito upang pasiglahin ang imprastraktura nito at isulong ang pag-unlad. Pinahusay nito ang mga network ng kalsada, naglagay ng mas modernong sistema ng transportasyon, at masusing binalak ang urban landscape para mabago ang Taguig bilang isang maunlad na metropolis.

Ang mahusay na paggamit ng resources at ang strategic negotiation sa private sector ay nagbigay-daan para sa pagbuo ng mga commercial at residential space. Naglikha din ito ng mga trabaho at nagpapahusay ng pangkalahatang kalidad ng buhay para sa mga residente.

Sa simula pa lamang ay kinikilala na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang kahalagahan ng edukasyon. Mula sa pre-school hanggang sa kolehiyo, ang mga mag-aaral sa Taguig ay may access na ngayon sa de-kalidad na edukasyon bukod pa sa mga scholarship at financial assistance program kaya naman “abot-kaya” ang edukasyon para sa lahat.

At sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga eco-friendly initiatives, gumawa ang Taguig ng mga makabuluhang hakbang sa pagpapanatili ng mga likas na yaman nito at pagtiyak ng isang sustainable future.

Ang mga pagsisikap na ito ay hindi lamang nagpapahusay sa pangkalahatang aesthetics ng Taguig kundi nagbibigay din ng mas malusog at mas sustainable na environment para sa pamumuhay ng mga naninirahan dito.

Hindi talaga maipagkakaila na ang Taguig ay isang lungsod na nangunguna sa pagpapahalaga sa kapakanan ng mga residente nito.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay nagpapatunay ng pagkilala sa galing at tagumpay ng Taguig bilang isang lungsod na patuloy na umaangat at nagbibigay ng magandang kinabukasan para sa mga residente nito.

AUTHOR PROFILE