Lacuna

Mayor Honey may Valentines Day hugot

February 5, 2024 Edd Reyes 107 views

AANHIN pa ang tiwala kung ang bawa’t hinala ay laging tumatama”

Ganito ang naging hugot ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na tumutukoy sa mga taong talipandas, taksil, salawahan at may sanga-sangang puso na hindi makuntento sa iisang pag-ibig matapos niyang ihayag ang mga aktibidad ng lungsod sa araw ng mga puso o Valentine’s Day sa Pebrero 14.

Ayon sa alkalde, tulad ng mga nagdaang taon, mabibigyang muli ng pagkakataon, hindi lamang ang mga magsing-irog kundi maging ang mga solo sa buhay, mga nagmamahalan at bawa’t pamilya na makapamasyal ng libre at makapamili ng mga murang damit, gamit at iba pa simula sa Pebrero 12 hanggang Pebrero 17, 2024.

Marami aniyang booth na itatayo sa Kartilya ng Katipunan na magbebenta ng mga produktong gawang Pinoy, pati na ng mga masasarap na pagkain na pagpipilian ng mga mamamasyal.

“Ayain nyo na po ang inyong pamilya, ang inyong mga mahal sa buhay, na dito pumunta sa darating natin na Valentine’s Day nang sa gayon naman po ay maramdaman naman niyo kung papaano magmahal,” pahayag pa ng alkalde bago niya banggitin ang paniniwala sa kasabihan na aanhin pa ang tiwala kung ang bawa’t hiala ay laging tumatama.

AUTHOR PROFILE