Risa

Sen. Risa saludo sa kasundaluhan, Tropang Pilipino sa Ayunghin Shoal

June 25, 2024 PS Jun M. Sarmiento 219 views

ISANG matinding saludo po sa inyo sir at sa Tropang Pilipino.”

Ito ang pagpupugay ni Senator Risa Hontiveros sa pagbubukas ng pagdinig kung saan ay dumalo ang sundalong naputulan ng daliri sa kamakailang insidente sa Ayungin Shoal dahil sa ginawang pagmamalabis ng mga CCG sa tropang Pinoy sa nasabing insidente.

Sa nasabing pagdinig, iginiit ng komite na dapat lamang ito bubusiin dahil na rin sa agresibong aksyon ng CCG na siyang nagdulot ng pagkasugat ng pitong sundalong Pilipino at naging sanhi ng pagkaputol ng daliri ni Seaman First Class Jeffrey Facundo.

“This is unacceptable. Violence should not be committed on our seas. We must push for a de-escalation in the West Philippine Sea,” giit ni Hontiveros kung saan ay iminungkahi din niya na dapat lamang aniya maging preparado ang ating gobyerno sa ginagawang ito ng China para masigurong hindi masaskripisyo ang ating mga tauhan at hindi rin sila malalagay sa alanganin na sitwasyon.

“I call on government to put politics and diplomacy consistently at the captain’s wheel with the Philippine Coast Guard and Aquatic Resources, fisherfolk and civilian actions. Let us optimize every legal, political and diplomatic potential to preserve Philippine national interest in the region,” ani Hontiveros.

Inilahad ni Facundo ang mga pangyayari base sa kanyang pagkakaalala ay sinadya o intensyonal aniya ito.

“Masasabi ko po na hindi ito matatawag na aksidente. Para sa akin, ito po ay intensyonal na ginawa ng mga CCG laban sa ating tropa. Yung pagbangga nila pati pagsira.” ani Facundo.

“Nagsimula kami sa Rizal, Palawan. Binaybay namin patungong Sierra Madre. Hiwalay ang aming rota ng dalawang tropa..Nakarating kami ng Sierra Madre alas 6 ng umaga. Yung Rhib No. 2 po ay nakatali na sa Sierra Madre. Navsu lang ang dumating sa Sierra Madre. Nasa Rhib 1 po ako nakasama. Bigla dumating ang Chinese troop. Pag karating nila, tinarget na kami at lumapit sila at biglang binangga na kami. Lumalabas na 8 rig mayroon ang China. May mga palakol, may panaksak, mga customize na spear sa mahahabang tubo.”

“Kami sana ang papalit na tao sa Sierra Madre. Kami ang kapalitan. May dala kaming baril bilang kapalitan ng mga naroon ngunit ang order sa amin ay hindi kami magpapaputok kundi para depensahan lamang ang aming sarili pag kailangan. Nakatago ang aming mga baril. 7 baril ang kinuha ng CCG sa ating tropa.” May nakatago kaming dalawang baril na hindi nakuha.,”

“Tatlo kaming nasa harapan, binangga kami ng malakas. Tinamaan ako ng isang matulis na bagay sa harapan nila matapos sumampa ang kanilang sasakyan sa amin.” ani Facundo .

“Nilagyan nila kami ng tali para hilahin nila ang ating rhig. Nagkaroon ng hilahan,labanan. Sumisigaw sila sabayan na rin ng pagbabangga sa atin. Nakapasok na tayo sa Sierra Madre pero gusto talaga kunin nila ang mga rig natin.

Napaka agresibo aniya ng mga CCG at ipinagtapat din ni Facundo na humantong pa umano ng suntukan sa pagitan ng CCG at tropang Pilipino hanggang maagaw ng China ang walong high-powered firearms ng mga sundalo dahil lamang sila sa dami kumpara sa mga tropa ng Pilipino. Walang humpay aniyang binutas din ng mga ito ang rigid hull inflatable boat ng ating mga tropa

Maliban pa roon, ipinunto rin niyang sa mismong patulis ng RHIB ng China naputol ang kanyang daliri dahil sa pagsampa nito sa RHIB ng Pilipinas.

Samantala, nang tanungin siya ng senadora sa opinyon niya rito, sinabi niyang tiwala siyang hindi aksidente ang nangyari kundi intensyonal ito dahil ayaw silang mag resupply sa BRB Sierra Madre ng mga nasabing Tsino.