Phivolcs

Mayon nagpaguho ng mga bato 111x

November 24, 2023 People's Tonight 160 views

UMABOT na sa 111 insidente ng pagguho ng mga bato ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon.

Ang mga insidenteng ito ay nakita sa mga nagdaang obserbasyon ng ahensya sa bulkan. Naitala rin na umabot sa 1,623 toneladang sulfur dioxide emission ang lumabas mula sa bulkan, at kasama nito ang usok na pumunta patungong hilagang-kanluran at kanluran-hilagang kanluran na tinangay ng hangin.

Nakapagtala rin ng pagragasa ng lava sa paligid ng bulkan, na apektado ang Mi-isi, Bonga, at Basud.

Sa ngayon, ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok ng publiko sa 6-kilometrong radius na permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon. Ito ay dahil sa posibleng pagbuga ng mga bato, pagragasa ng lava, lalo na kapag may malakas na pag-ulan at pagbuga ng bulkan.

AUTHOR PROFILE