Default Thumbnail

Maynila, nasa ika-34 sa pinaka-da best cities sa buong mundo

July 13, 2022 Edd Reyes 387 views

Edd ReyesHINDI talaga matatawaran ang naging tambalan nina dating Mayor Isko Moreno at dating Vice Mayor Honey-Lacuna-Pangan nang pamunuan ang Lungsod ng Maynila dahil sa maikling panahon lang, kanilang nabago ang imahe ng lungsod.

Sa katunayan, naitala bilang isa sa 53 pinakamagaling o pinakamahusay na siyudad sa buong mundo ang Maynila na nasa ranggong pang-34 batay sa isinagawang pangangalap ng datus ng prestihiysong Time Out Index para sa taong 2022 sa lahat ng panig ng mundo.

Napabilang ang Maynila sa listahan ng mga “the best cities” sa buong mundo bunga ng mabilis na pagbangon at pagpapanatiling matatag mula sa pagkakalugmok na dulot ng pandemya dahil na rin ng inilunsad na puspusang pagbabakuna sa mga tao nina Mayor Isko at VM Honey.

Sa katunayan, nakasaad sa datus na ang Maynila ang naitala bilang pangatlo sa buong mundo sa pinakamabilis makabangon sa mabigat na hamon dulot ng matagal na lockdown at wala rin maski isa man sa mga natanong na nagsabing nabastos sila sa lungsod at sa hlip, pinuri ang pagiging palangiti at masayahin ng mga taga-Maynila.

Malugod ding inanyayahan ng Time Out Index ang marami na bumisita sa Mayila at saksihan ang muling pag-unlad ng lungsod para kanilang maranasan ang maaliw ng husto sa mga malalaking shopping malls, mga galeriya ng sining at masasayang mga pagtitipon sa mga lugar na may magagandang musika.

Marami ngayon ang naniniwala na posibleng tumaas pa ang ranking ng lungsod ng Maynila sa mga susunod na taon bilang isa sa pinaka-“the best” na siyudad sa buong mundo sa ilalim naman ng pamumuno ni Mayor Honey Lacuna-Pangan lalu na’t kanyang itinutuloy ang mga programa at proyekto ni Yorme Isko at posibleng mapaunlad pa batay sa kanyang malawak na karanasan bilang isang public servant.

BAGUIO CITY PINUTAKTI NG PERYAHAN

MARAMI ang umaasang mapapanatili ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mababang bilang ng kaso ng Covid-19 dahil kapag tumaas ang kaso nito, apektadong tiyak ang industriya ng turismo sa lungsod.

Sa tulong nina Cordillera Administrative Region Police Office Director P/BGen. Ronald Dee at Baguio City Police chief P/Col. Glen Lonogan, hindi malayong mapanatili talaga ang mababang kaso ng nakahahawang sakit basta’t maiwasan lang ang mga pagkukumpulan at masunod ang health and safey protocols.

Makakatulong siguro kung masusugpo ng kapulisan at lokal na pamahalaan ng Baguio City ang nagkalat na ilegal na sugal sa mga itinayong peryahan ng mga dumarayong operator na nagtatago sa mga alyas na Nestor, Arman, Jimmy, Marijie, Oldak, Andy at Balong na may kanya-kanyang puwesto sa Brgy. Kayang Hilltop sa Cating Bldg., sa terminal ng jeep sa Magsaysay Avenue, sa Brgy. Otek Burnham Park at sa Malcola Square sa E.Jacinto St. na nagiging sanhi ng pag-uumpukan ng mga nagtutungo sa naturang mga lugar.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE