Default Thumbnail

May bangkay sa basura!

April 25, 2024 Melnie Ragasa-limena 49 views

NATAGPUAN sa tambakan ng basura ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakalagay sa sako noong Huwebes sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Ayon kay PSSg Bryan Dave Garcia ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay dakong alas-3:00 ng umaga sa Blk 6, Gravel Pit, Brgy. Payatas, Quezon City.

Ayon kay Rodrigo Lasquete, 73, magtatapon siya ng basura ng mapansin ang sako.

Sa pag-aakalang basura, itatapon na rin ni Lasquete ang sako pero napansin niya ang dugo na nanggagaling sa sako.

Humingi siya ng tulong sa barangay kaya nakita ang bangkay ng lalaki sa loob ng sako.

Nakasuot ng gray na long sleeve at itim na shorts ang bangkay.

Nababahala ang mga residente sa pagkakatagpo sa bangkay dahil iyon ang unang beses na may nakitang bangkay sa kanilang lugar.