Sarah

Matteo, nasamid sa birong pagpaparetoke ni Sarah ng boobs

May 15, 2023 Vinia Vivar 268 views

Aliw na aliw kami sa reaksyon ni Matteo Guidicelli sa sinabi ni Sarah Geronimo na gusto niyang magparetoke ng boobs.

Sinabi ito ni Sarah G. sa kanyang sold-out 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum last Friday base sa napanood naming video sa social media.

Sa viral video ay makikitang tinawag ni Sarah ang mister niya sa stage. Nag-dialogue ang Popstar Royalty na darating din naman ang time na si Matteo na lang ang magtatrabaho para sa kanilang kinabukasan.

“Kaya lang, hinay-hinay muna, gusto ko pang mag-Vivamax,” biglang sambit ni Sarah na ikinalaki ng mata ni Matteo.

Napainom nang tubig ang aktor pero may bagong hirit na naman si Sarah.

“Gusto ko pang magpalagay ng boobs,” biglang sambit ni Sarah.

Ang cute ng reaksyon ni Matteo na parang nasamid at muntik nang maibuga ang tubig.

Hindi agad nakapagsalita si Matteo pero nakangiti naman siya habang tawa nang tawa si Sarah. Pagkatapos ay masuyong hinalikan ng aktor ang misis sa noo.

BEST MOTHER’S DAY GIFT 

Congratulations kay Valerie Concepcion who is now pregnant with her first child with husband Francis Sunga.

Inanunsyo ng aktres ang magandang balita sa kanyang Instagram last Saturday, a day before the Mother’s Day celebration.

Nag-post si Valerie ng mga larawan nila ng mister na hawak ang sonogram ng kanilang baby.

“One is great, two is fun, so why not add another one?” caption ni Valerie.

Sa pangalawang post niya ay ipinakita naman niya ang kanyang baby bump at sey niya sa caption, best Mother’s Day gift and answered prayer ang kanyang pagbubuntis.

“Mother’s Day this year is extra blissful for me because God has given us our litte answered prayer. My husband and I are very grateful for this very precious gift and we couldn’t be any happier sharing this news. THANK YOU LORD for making our lives extra wonderful, special and exciting. We’re so blessed to have our growing family. This is the best mother’s day gift ever!” pahayag ni Valerie.

Ikinasal sina Valerie and Francis noong 2019. They have two children now, si Heather Fiona, anak ng aktres sa past relationship, and Francis’ daughter from a previous flame also.

AUTHOR PROFILE