CAAP

Masterplan sa aviation safety ikinakasa ng CAAP

February 20, 2024 Jun I. Legaspi 142 views

PLANO ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bumalangkas ng civil aviation masterplan para matiyak ang aviation safety, efficiency at sustainability ng bansa.

Magsasagawa ang CAAP ng pag-aaral sa kasalukuyang estado ng civil aviation kasama na ang infrastructure, operations, regulatory framework, national at regional policy at international standards.

Susundan ito ng benchmarking analysis para ikumpara sa aviation industry ng Ibang bansa sa ASEAN at European Union.

Upang matiyak ang tagumpay ng master plan, hihilingin ng Pilipinas ang tulong European Union Aviation Safety Agency (EASA).

Kabilang dito ang personal na assistance ng dalawang eksperto at bilateral meeting kay Luc Tytgat, Executive Director of EASA, kasabay ng 58th Conference ng Director Generals ng Civil Aviation in Asia sa Bangladesh noong October 2023.

Sa sandaling makumpleto ang master plan, titiyakin ang ligtas, efficient at sustainable na air transport sa bansa na nakabatay sa international standards, habang isinusulong ang inclusivity, economic growth at comprehensive development.

AUTHOR PROFILE