Marven

MarVen na-guilty sa ginawang April Fools’ Day prank video

April 9, 2024 Ian F. Fariñas 80 views

NA-GUILTY pala ang tambalang MarVen nina Heaven Peralejo at Marco Gallo nang may fans na nasaktan sa ginawa nilang April Fools’ Day prank video kung saan in-announce nila ang kunwaring paghihiwalay ng loveteam nila.

Sa mediacon kahapon para sa Viva Uni Love Squad kahapon na binubuo ng MarVen, KrisshRome (Krissha Viaje at Jerome Ponce) at HyGab (Hyacinth Callado at Gab Lagman), nilinaw ni Heaven na ayaw sana nilang gawin ang prank video dahil baka maging totoo.

Ani Heaven, “We were in the middle of shooting at that time and it was a good joke naman.”

Ang original plan pa nga raw ay kinabukasan pa nila ibubuking na joke lang ‘yon pero ani Marco, “We just realized that we might hurt some people so we didn’t wanna do that and you (sabay tingin kay Heaven) couldn’t keep your face straight, you were laughing!”

“Well binawi rin naman namin agad kasi konti lang naman ‘yung time na ano, eh, ‘no? So ayun, it was just us like… nakakaloka nga!” banggit naman ng aktres.

Anyway, good news sa MarVen fans dahil bukod sa Sunny, ang Pinoy adaptation ng hit Korean movie na showing na sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, muling mapapanood ang dalawa sa Men Are From QC, Women Are From Alabang na ipapalabas sa mga sinehan simula May 1.

Ang Uni Love Squad o University Love Squad na binuo ng Viva Artists Agency (VAA) ay mula sa tagumpay ng una at pangalawang seasons ng sikat na Viva One serye at adaptation ng Studio Viva na The University Series.

Unang nakilala ang KrisshRome sa pangalawang season ng The University Series na Safe Skies, Archer. Gaya ng MarVen, meron na rin silang follow-up project, ang Viva One serye na Sem Break, na mapapanood simula May 10.

Kasama rin sa Sem Break ang tambalang HyGab nina Hyacinth at Gab, na ipinakilala rin sa Safe Skies, Archer. Pagkatapos ng Sem Break, muling bibida ang HyGab sa ikatlong season ng The University Series na Chasing in the Wild bandang Agosto.

Anang Viva, patuloy pang lalaki ang Uni Love Squad sa bawat bagong season The University Series ng Studio Viva at Viva One.

Ngayon pa lang, inaabangan na ng fans ang magiging mga kapareha ng ibang bida ng serye, kasama sina Bea Binene, Aubrey Caraan at Nicole Omillo.

AUTHOR PROFILE