Dingdong

Marian, sarili ang regalo kay Dingdong

December 19, 2022 Jun Nardo 96 views

TUWANG-TUWA ang DongYan fans nang ipisilip ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang bago nilang bahay na tinatawag nilang Casa Dantes.

Pinapasok ng mag-asawang Dingdong at Marian si Jessica Soho kung saan na-feature ang kanilang Casa Dantes sa show ng huli na Kapuso Mo, Jessica Soho after maglabas ng ilang bahagi ang 24 Oras Weekend last Sunday.

Ang image ng crucifix ni Jesus ang unang pinost ng mag-asawa sa kanilang Instagram para sa kanilang bahay.

“Dapat Siya po dapat ang sentro ng bagong bahay na ito,” bungad ni Dong.

Batman feels naman ang work room ni Dong na kailangang medyo madilim habang si Yan, eh, butterflies ang effect.

May room din siya kung nag-iisip siya ng arrangement ng flowers para sa kanyang negosyo na FloraVida by Marian.

Ang pagkakaroon ng sariling pamilya ang talagang pinangarap ni Yan dahil hiwalay ang parents niya.

“Kaya nga, family talaga ang priority ko then work. ‘Yun talaga ang pangarap ko,” sabi ni Yan kay Jessica.

Wish din nila na masundan pa ang dalawang anak.

“Expressive si Zia at inclined sa arts,” sabi ni Dong.

Super heroes naman ang hilig ni Sixto.

Sa interview naman ni Pia Archangel for 24 Oras, na-feel niya ang warmth ng bahay at, “Ang bangu-bango!”

Pero sa kulay, compromise raw ang mag-asawa.

“Orange ang gusto kong kulay pero siya, maroon. Kulay ni Marian ang nasunod!” saad pa ni Dong.

Bago makapasok ng Casa Dantes, “May no shoe policy” kaya walang shoes na suot si Jessica pagpasok sa bagong bahay ng mag-asawang Dantes.

Ano ang regalo ni Yan kay Dong?

“Ako! Sarili ko. Expensive ako, hahaha!” deklara ni Yan. Marian, sarili ang regalo kay Dingdong

AUTHOR PROFILE